maagang pabirthday :(
June 2013
202 posts

mukha ba akong tindera?
June 17,2013
First day of class namin,2nd yr 1st sem. na :) napakabilis ng panahon next time OJT na para makagraduate pero bago yon magkkwento muna ako
ano nga ba nangyari sa unang araw ng klase namin?
Pumasok ako bandang 11:40 para hindi ko maabutan ang labasan ng mga highschool student na dinadaanan ng sasakyan papuntang school ko.pag dating ko sa Caloocan 12:20 palang eh 1pm pa klase ko kaya naglibot libot muna ako sa malapit na mall para mag plano ng bibilhin para sa gagawin kong album para sa birthday ko pagkatapos nun diretso na ako sa school di pa naman ako late kasi 20 minutes late yung prof. namin sakit nga sa ulo nung programming pero sabi nya basic palang yun paano na kaya sa finals? nung natapos na yung Computer Programming namin sumunod naman ang ComArts jusko naman speech na yung pagaaralan namin :( mahina pa naman ako pag oral na kaya eto ako ngayon kailangan mag sanay ng nagsasalita sa harap ng madaming tao kabado ako habang nag kklase buti nalang biglang nag time na at hindi ako naabutan ng mga tanong ni prof. eh pero malas naman nung uwian na lakas ng ulan sobra basang basa ako pagdating ko sa bahay eh. at first time ko pala magpanghapon ngayong college kaya kailangan masanay na.
Simula sa wed. mag dadala na ako ng tsinelas promise! ayaw ko na gawing tabo ang sapatos ko.
Masarap mag mahal ng taong alam mong kahit hindi ka perpekto andyan padin palagi para sayo.