31.05.13
12 notes

Napansin ko nitong mga nakaraang araw napapadalas sa balita yung Bullying bakit kaya ngayon lang ito nagsilabasan? eh noon pa man usong uso na yan.Pero bago ang lahat ano nga ba ang BULLYING? Ang Bullying ay isa sa mga problema ng mga estudyante.Eto yung inaalipusta,inaasar,tinatakot,pinapahiya o sinasaktan ang biktima (Bullied) ng mga Bully.Pero minsan hindi na ito binibigyan ng atensyon dahil ang tingin ng ilang tao ito ay simpleng away o asaran lang.Minsan ay itinatago nalang ng biktima na may ng bubully sa kanila dahil sa rason na natatakot sila o gusto nilang sarilihin nalang ang problema hanggang sa hindi na nila ito makayanan.

Naalala ko nung highschool ako isa din akong biktima ng bullying.First year hanggang grumaduate ako ng highschool binubully ako ng mga classmate ko.Alam mo yung pakiramdam na para kang pinandidirian at tuwang tuwa sila kapag napapahiya ka at sa lahat ng kilos mo para sakanila eh papansinin?yan yung nararamdaman ko nun eh ang sakit.Tapos lagi ako nilalayuan wala akong masyadong kinakausap nun lagi lang ako nasa sulok mag isa at kapag may tatabi sakin aasarin din nila sasabihan ng kung anuano kaya wala masyado kumakausap sakin nung mga panahon na yun at sa friendster o facebook ko nalang binubuhos mga nararamdaman ko sa school.Simula nung lagi nila akong inaasar ayaw ko na magsasalita sa school yung tipong wala na akong tiwala sa sarili ko na may magagawa akong tama kasi nga pinapamukha sakin “Tanga ako” at dito rin pumasok sa utak ko na ayaw ko ng pumasok para saan pa? para asarin nila paulit ulit? palagi akong umiiyak nung mga panahon na yun hanggang sa napikon ako at sumabog na yung nararamdaman ko.Naalala ko nun practise namin yun para sa JS prom at binubully ako ng  3rd year sinabihan ako ng kung ano anong masasakit na salita pangit ko daw tatanga tanga  at walang nag mamahal sakin mga ganon tapos napagdidiskitahan pa yung buhok ko.Nung una lumalayo nalang ako kasi masama ang timpla ng araw ko baka di ako makapag tiis pero pinagpatuloy nya hanggang dumating sa point na nasampal ko siya ng magkabilaan na hindi ko inakalang magagawa ko yun kasi takot ako maguidance eh kasi gusto ko grumaduate ng malinis yung record.Nung nasampal ko siya sa maraming tao nagulat yung teacher ko tinanong ako bakit ko nagawa yun at pinaliwanag ko lahat iyak pa nga ako ng iyak nun habang pinapaliwanag hanggang sa pinakalma na ako ng teacher ko at sinabing maguusap kami tungkol dun at wag ako magalala kasi hindi naman daw makakapekto ito kasi alam naman niya pinagtanggol ko lang sarili ko.Naalala ko yung sinabi ng teacher ko sakin "Alam kong mabait ka pero wag mo hayaang tapakan ka nalang ng iba matuto kang lumaban at ipakita mo sakanila  na hindi ka masisindak." .Nung araw na yun pumunta ako ng guidance para ireport yung pambubully sakin kaso hindi natuloy ewan ko ba siguro tingin nga nila simpleng away bata lang.Simula nung nakausap ako ng teacher ko tungkol dun lumakas na loob ko kahit papaano kaya nung nag college na ako onti onti kong binago mga kamalian ko nakisama na din ako at natuto na lumaban kaya eto ngayon sinisipag na pumasok at hindi na nag iisa sa sulok.

Sana nga matigil na yang Bullying na yan kasi nakakaapekto ito hindi lang sa pagaaral kundi sa mismong pagkatao ng biktima.At kung sino naman ang mga bully ngayon smoothsmooth lang wag masyadong hard sa pangttrip malay mo nakakasira ka na pala ng pagaaral ng pinagttripan mo.Sa biktima matuto kang lumaban para matuldukan yang paghihirap mo.

Salamat sa may ari ng ginamit kong litrato.

  1. i-wish-i-waspecial reblogged this from iamrinftw
  2. alaskajaneold reblogged this from iamrinftw
  3. iamrinftw posted this